Sa muli-muli’y natagpuan ko ang aking sarili na ikaw lamang ang sinasaisip, kung kaya’t heto nanaman ako’t naglulubid ng mga salita para sa’yo.
Oo, ditto lang naman ako magaling. Pagpasensyahan mo na’t ito lamang ang aking nakayanan.
Oo nga pala, “valentines day” ngayon. Nais ko sanang paghandogan ka ng mga bulaklak at tsokolate’ng hugis puso. Naisip ko, marahil ay magugustuhan mo iyon. Nais kong ipadama sa iyo na hindi tayo kaiba sa karamihan. Na lahat ng pag-ibig, magkaiba man ng hugis at porma ay pare-pareho lamang. Nais kitang mapaligaya.
Ngunit, nakalulungkot dahil wala ka ngayon sa aking piling, ngayon pang araw na ito.
Hiling ko na lamang, nawa’y ang mga salitang aking sinasambit ay matumbasan ang halimuyak ng sanlibo’t isang rosas o ang tamis ng pinaka-espesyal na tsokolate.
Mahal kita ng lubusan, alam mo iyan. Ngunit minas an hindi ko maiwasang malumbay tuwing maiisip ko na walang paraan upang magtuloy an gating pag-ibig. Na imposibleng magsupling ng isang buhay na patunay upang magpatuloy ng ating kasaysayan.
Ito ay nagdudulot upang magkaroon ako ng hinanakit sa tadhana. Na minsan, kahit walang patutunguhan ay nais ko’ng magtanung kung bakit ganoon.
Alam ko, mahal mo ako. Ito lamang ang aking pinanghahawaka. Iniisip ko na lamang na an gating mga kaluluwa, kulong man sa ating katawan sa kasalukuyang panahon ay minsan nang nagtagpo sa kaparangan ng mga gunita. Na naukit na an gating tadhana.At tayo at tayo lamang ang nakatakda para sa isa’t-isa.
Saan man tayo mapadpad , wala mang kasiguraduhan ang landas na ating tinatahak, sana’y kahit paunti’y marating natin ang mga lugar na minsa’y abot lamang ng tanaw.
Batid ko’ng masalimuot pa ang mga yugtong nag-iintay sa atin, ngunit kampante ako. Sapagkat nariyan ka sa aking tabi. Natitiyak ko na malalampasan natin ang mga unos pang paparating basta magkahawak kamay tayong susuong. Kapit-kamay nating aantayin ang kunklosyon sa pagpanaw ng araw at ng buman.
Muli, pasensya. Muli, mahal kita. Sana ay maligaya ka sa araw na ito.
(Source: klapklap)

3




